Wala sa hinagap ko na maging teacher. Sabi ko dati, gusto ko maging singer, o kaya ballet dancer, pwede ring maging psychologist pero ni hindi sumagi sa isip ko na maging teacher.
Ako lang ata ang teacher's pet na hindi nag enjoy dahil laging inuutusan at hinihingan ng pabor ng mga guro ko - kapalit ng award na best in deportment at most behave.
Noong bata pa ako, naroong pagtsismisan ng mga guro ang kapwa guro, awayin ang principal, may pagkakataong nagrally pa sila at kung anu-ano angnaranasang problema sa DECS o Deped na ngayon. Pero sa kabila ng lahat, naroon pa rin sila at nagtuturo. Magtutulong-tulong sa twing magkakaroon ng The Visitation of the Gods o yung pagdating ng District at Division Superintendent. Syempre kanya-kanyang ayos ng classroom, kasama na ang seating arrangement, ang buong araw na pagpractice ng Good Morning Visitors at paulit-ulit na pagpapasulat ng sulating di pormal at pormal. Pati ayos ng mga themed paper na yun kailangan nasa gitna ang mga hindi matatalino para hindi mabunot sakaling basahin ng bisita.
Sabi ko sa sarili ko, hindi ako magti-teacher. Kaso doon ako dinala ng tadhana kaya binago ko ang mantra ko at sinabi kong hindi ako ordinaryong teacher. Nakita ko kung paanong unti-unti ay kinain ng sistema ang mga kasamahan kong mga guro, nang korupsyon at kabulukan, pero nanatili akong idealistic at kailanman, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako gagaya sa kanila.
Ang dami kong sinabi na hindi ako... hindi ako.. hindi ako...
pero minsan, unti-unti, pakiramdam ko ay nauupos ako. Na parang masisiraan. Na parang kinakain na ako.
Naiipit ako sa sangandaan. Gagaya ba ako, makikisama ba ako? Paano na ang mga sinabi ko na
hindi ako ordinaryong guro
hindi ako magiging corrupt
hindi ako kakainin ng sistema
hindi ako gagaya sa kanila
hindi ako tulad nila
hanggang sa binago ko ang mantra ko. Sa t'wing napapaisip ako, sa twing nalulungkot, sa twing nagdadalawang isip o kaya ay nahihikayat na iwan ang propesyon, sinasabi ko sa sarili ko na Teacher Ako!
The Filipino teacher: His contribution to Philippine democracy and nationalism : speech
Phonics for Filipino teachers
The multiple roles of the Filipino teacher: Implications for teacher education (Professional chair lectures)The Filipino immigrant child;: A handbook for teachers
Sunday, January 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment